CLSU Freedom Wall
#CLSUFreedomWall2653
Anonymous Pinoy Confession, "Tagpuan"
25, Male, Psych Graduate, batch 2019, Char.
So 2nd entry ko na po pala to dito. Etong kwento ko, about my ex pa rin nung 2018 nman. So ganto nangyari kung pano kami nagkakilala, nakita ko lang sa FB na may nagfriend req sakin tas di ko nman inaccept agad. Tas days have passed. It was a random day of April, I was with a friend, helping her sa kanyang activity sa subject nmin na counseling, nasa university library kami, tas sa kabilang table, andon si Guy, let's call him Geremy (not his real name).
He was with his friends also, tas ayon. Nung napatingin ako sa may table nila nagkatitigan kami, then I remembered na sya yung nagfriend req sakin, tas sabi ko sa isip ko, hindi ko pa nga pala sya naa accept kahit gusto ko nman na tlgang iaccept, since the time that I got his friend req. Tas nahiya ako na ewan. Diba parang tanga? Haha
Tas sumunod na pangyayari, nagCR ako, pumasok ako sa isang cubicle tas ano nung natapos na ko umihi, di ko mabuksan ang pinto, 🤦♂️ tas nasa isip ko kung di ako makakalabas agad, hindi ako makakahingi ng tulong dahil lam nyo nman sa clsu, mahihina signal mom don. Tas ayon, plot twist non sya pala yung andon. Tas parang nagpipigil lng sya ng tawa. Napansin nya rin na ang tagal ko sa cubicle.
Di ko na malaala pano naging "kami" pero para malinaw sa lahat, opo, we're both males.
Kaya tagpuan ang title neto kasi meron lugar sa clsu akong tinatawag na "Tagpuan" mahilig kasi ako maglakad, so yung lugar na to malapit ang dadaan nyang dorm is don sa may diretso mula sa dating pwesto ng old market lagpas ng acacia at dungon sa sides nito. Don din kasi naganap ang first kiss namin kaya memorable
Tas ayon, sobrang gaan lng ng naging takbo ng relationship namin hanggang sa naka1 month kami, yung year din na to ako nagcome out sa barkada ko, at pinakilala ko si Geremy sa friend kong si (let's call her b*tch) ang pinakaepic na memory ko sa kanya sa clsu is nung time na nasa Univ Canteen kami, tas nagvideoke kami don, habang nandon yung isa ko pang ex kasama yung friend nya.
Kaya medyo may halong. awkwardness pero ang pinakamalalang memory na naalala ko with him nung nakisleep over ako sa bahay nila sa san jose sa abar 1st kasi pakilala nya sakin, tropa lng kami. Tas 2x may nangyari samin sa bahay nila, kso nga lang di ko pa rin alam hanggang ngayon why nalaman ng parents nya yung about sa secret romantic relationship nmin, samantalang sobrang maingat kami, at madalas wala don daddy nya.
Lam nyo ba guy, grabe yung naging experience ko nito. Kasi during the time na nakikisleep over ako sa kanila, naga ayos ako non ng requirements sa ojt sa clsu, buong araw ako don tas uwi sa kanila.
On my last day sa kanila morning to nangyari, before ako bumalik sa clsu, kinausap ako ng nanay nya at sya kinausap sya ng tatay nya, literal na paalis na kami ng bahay nila, palabas na kami ng pinto non papuntang CL,
Ang bungad sakin is "kelan pa?!" Ilang ulit yon, so I was like very confused, yon pala nahuli na kami na may tinatago kaming relationship ni Geremy. Tas lam nyo ba na grabe din yung pangsermon ng nanay nya as in like may nabanggit about sa "trigger warning" "depression" daw nya. Tas pinangaralan din ako about sa dahil baptist sila, di na daw nakakaattend ng service si Geremy, magmula ata nung naging "kami" tas ayon, sinabi na maghiwalay na kami kasi kasalanan daw sa Diyos ang makipagrelasyon sa kapws lalaki, sinusunog daw ang kaluluwa pag ganon. Pag daw di kami naghiwalay, kakausapin din ang parents ko, eh parehong homophobic mga parents nmin eh, maayos ang pagtatapos ng usapan nmin ng ina nya. Kasi agree lng ako sa sinasabi nya, iblock ko na daw si Geremy sa lhat ng socmed at tumigil na sa kominakasyon, pero after that incident nakapag usap pa kami, pero nahuli din ulit, tinawagan ako ng nanay nya with a very creepy voice "Ginagago mo kami" nung pagkarinig ko non, pinatay ko ang call nmin tas naiyak na lng ako. Till this day, vivid pa rin sakin ang mga pangyayari, pero ayon. As of now nasa long-term homosexual relationship pa rin nman sya. Hindi nman ata sya pinilit magmahal ng babae, since matalino nman sya, may magandang work sa manila at nasusuportahan nya ang dalawa pa nyang cute na cute na mga nakababatang kapatid.
So ayon na kwento ko, sorry po at napakahaba. Arrivederci!
Submitted: January 6, 2026 3:21:27 PM HKT