Diary of a Stranger PH
#TheDiaryOfAStranger712
WHY CAN'T I HATE MY FATHER?
Why can't i hate my father? he's an immature, hot headed man na kahit sa napakaliit lang na bagay ay nagagalit na. Sa napakaliit na bagay ay kaya ng sabihin ang masasakit na bagay. I get it, mahirap tayo. I get it, di tayo sinwerte sa buhay but i hope bawasan mo naman yung pagiging mainitin ng ulo mo. Dalawa nalang tayo sa buhay oh. Dalawa nalang tayo kaya sana naman iparamdam mo na magkakampi tayo sa buhay. Ikaw ang pinaka dahilan kung bakit may lakas ako sa pag aaral pero ikaw din yung dahilan kung bakit nababawasan yung lakas ko.
Naipasa ko capstone thesis ko. Binalita ko sayo, wala ka man lang sinabi na "congratulations anak". ansakit na parang dimo man lang na appreciate yung pagsusumikap ng anak mo. Gets ko naman na baka pagod ka lang sa trabaho mo. Gets ko naman baka may iba lang na nasa isip mo pero i hoped that just a simple congrats would come out of your mouth but there isn't any, there's nothing related to the shared news i said came out of your mouth and that really hurts like hell. Na para bang di ako mahal ng minamahal ko.
Ansakit ng mga lumalabas sa bibig mo na para bang may ginawa ako na nakakagunaw ng mundo. Okay lang kung ganon pero hindi eh, ambabaw lang. Gusto ko lang maramdaman na mahal moko eh. Gusto ko lang na iparamdam mo na may pake ka sakin papa. Pero ganon talaga, bakit mo nga hahanapin ang bahay na wala naman.
Maybe not expecting at all would be the best solution.
This is the reason why i strive to be an emotionally mature, present, cool headed father for the children i would have if ever my future would make me able so.
-C.N.T. 4th year BSIT
Submitted: October 18, 2026 8:58:08 PM PST