TUP Freedom Wall
#TUPFreedomWall34965
Student Electoral Consumission
Ngayon pa lang magsosorry na agad ako sa buong SEC lalo na kay Chair sa gagawin ko. Tutal may nag-send na rin naman dito tungkol sa Org ko, magsasalita na rin ako. Dapat palilipasin na lang namin kasi nagkaiyakan at nagkapatawaran na kami nung nag-daloy kaso di tumigil ito eh kaya bumalik nanaman galit ko
Wala akong masabing masama sa board namin kasi hindi niyo naman nakikita yung trabaho nila— mahigit 100 kaming Commissioners at pito sila sa Executive Board. Sobrang bait ng mga ‘yan na kahit sa mga dump account namin, hindi nila kami pinag-popost tungkol sa mga binabato sa amin nung Election. Mas pinili namin na manahimik at hindi mag-salita tungkol dito ng ilang araw/linggo.
Wag kayo pupuna kung wala pa naman sa kalingkingan ng commissioners mga skills ninyo lalong lalo na sa pagsasagawa ng election university-wide. Sobrang OA na sinasabi niyo na binuburden sa mga estudyante yung pagkilala sainyo eh totoo naman na responsibilidad nila yan? Oo gets na mabigat ang workload sa acads pero masyado niyong ginagawang bobo ang masang pnuans eh. Maiksi ang campaign period? 9 days yon. Mas pinahaba sa isang linggo nung mga nakaraang taon.
Sobrang sakit na marinig yung sinabi ng Chairperson niyo na nag-downgrade ang SEC this year. Dun pa lang sa Anti-Student ang screenung process? As if naman hindi kami students kagaya mo. Ano? Pinahirapan namin sarili namin para pahirapan kayo? Tigilan mo kami sa kagag*han mo. Wag ka bumoses ng mga walang kwenta mong opinyon na rooted lang sa sarili mong interes. Talk about downgrade— Jabal to Magana :)). Pasalamat ka at hindi makikita ng mga seniors namin kung paano kayo kumilos kasi graduate na sila pero kami ang magsusuffer sa ugali at pamumuno mo/ninyo. Hinding-hindi mo makukuha anf respeto ko, Magana. Ito nga pala ang niluklok ninyong CSC Chair. Puro salita at protesta pero ang sahol ng ugali. Hindi mo ba napansin na sobrang daming programa ang naisagawa ng komisyon ngayong school year. Late umuuwi ang mga yan kakakilos para maisakatuparan ang mga plano. Hindi nagkulang sa pagsiguro na mas maraming estudyante ang involved.
At ikaw naman Guaño. Nakukuha namin sinasabi mo. Gets namin yan. Paulit-ulit kang bumoses na umabot sa punto na nakakabingi na yang boses mo. Kung makapagsalita ka akala mo kabahagi ka ng publication eh? “masang pnuans” pero ang tinutukoy mo lang Sikhay at The T*rch Publication. Babawi ka na lang talaga sa talino at ugali, hindi mo pa magawa. OA sa atake sa komisyon sa mga post pero sorry sa Chair namin hindi magawa? Kahit nacallout na sa comsec? Tuloy mo tapang mo. Makasabi na “Akala ko ba Free, Orderly, Honest, Peaceful, and Credible Elections? Paano magiging credible kung walang kaayusan?” May watchers nga para mabantayan ang mga ganyang pagkakataon eh? Ayan ang silbi nila. Gaya mo, hindi kami robot. Sana bago ka mag-salita tungkol sa pagiging lider-estudyante, reflect ka sa mga ginagawa mo bilang FA President ah? Unless may ginagawa ka (Puro protesta ang ginagawa). Bilis ng karma sayo nagka-kaso ka sa ST HAHAHAHHAHAHAHAHAHA. Ngayon ka mag-ingay sa Facebook
Kailanman hindi tinolerate ng EB namin na gumanti at mag-salita sa mga binabato ninyo kasi isinasabuhay talaga namin ang “Serbisyo muna, Bago Pakikisama”. Hindi yan basta tagline lang. Nakailang sorry sa amin si Chair at EB sa mga nangyari nung eleksyon kahit hindi naman talaga siya ang dapat humingi ng tawad. Tapos na ang eleksyon tapos na rin ang term nila kaya ngayon ako nag-salita. Masaya at mabubuti ang Komisyoners. At lalong wala kayong alam sa laban na kinahaharap ng bawat isa sa'min. Gaya ninyo ay mga estudyante rin kami
Sorry Chairence alam kong gusto mo sa GC na lang kami mag-rant tungkol sa frustrations namin sakanila, kung anong bait mo sa mga bato sa atin publicly dapat kahit paano gumanti tayo. Kaya ito ako.
Para sa mga student-leader sa susunod na year, expect niyo na hindi ito magiging kasing ganda ng Rehimeng Jabal at Rehimeng Cruz pagdating sa relasyon ng SEC at CSC. Literal na magta-trabaho lang mga yan para sa serbisyo at hindi makabuo ng samahan sa mga Student Council.
I rest my case
- Witty, Wisely, at Wani
(hindi nagpopost admin ng pnufw pag tungkol sa mga pula at t*rch ang sinasabi)
Submitted: July 16, 2025 6:13:39 PM PST