UERM Freedom Wall
#UERMFW7857
Hello po! Gusto ko lang sana maglabas ng saloobin ko as a student from BSN. Nakakaloka at frustrating na kasi grabe ka-unfair ang mga tao.
We are supposed to have a quiz on Sunday at 11:30 am. Nagising kami nang maaga on Sunday, nag-prepare kami for the quiz, at nag-wait kami hanggang 11:30, tapos hindi pa pala na-po-post ang quiz? Nag-wait kami hanggang 12:00 para malaman kung matutuloy pa tapos hindi nagrereply on sunday? How Ironic lang kasi the faculty are saying na "Don't disturb us on weekends". Ibigay na ninyo sa amin ’yon para pahinga na namin, walang magchachat or magtatanong during that weekends. Then magpapa-assignment and quiz ka ng Sunday? Kahit on, meron ka naman weekdays before you start your class na magpaquiz instead of lagi kayong magpa asynchronous. Don't get me wrong, I like having asynchronous sessions, pero for what cost?? May bagyo ba? may emergency ba? PLEASE BEAR IN MIND WE ARE NOT PAYING A HUNDRED THOUSAND OF MONEY ON OUR TUITION FEE PARA LANG IPASYNCHRONOUS NINYO NG IPAASYNCRONOUS TAPOS ANG ENDING BABASAHIN NINYO LANG ANG PPT sa recorded lecture ninyo?
I just want to call them out to be better, not just academically but also in time management as well as scheduling. Matagal na tong problema simula nung pumasok ako sa UERM, pero up until now hindi pa rin na-reresolve? No changes? No improvements? Kaya rin ako nagvovoice out kasi dalawang beses na nila ginagawa sa amin to actually maraming beses na kung isama pa yung mga previous years ko sa Nursing.
Nakaka-frustrate siya kasi marami rin kaming agenda at gawain on weekends, especially malapit na ang exam. Ang dami-dami ninyong worksheets na pinapagawa, so please, next time, mag-announce kayo kapag may posted na quiz na sa Canvas or activities na ipapagawa at magannounce kayo ng maaga at kung magpapagawa man kayo ng weekends "OKAY LANG" basta siguraduhin ninyo nacocontact namin kayo hindi yung kayo nagpapakasaya tapos kami naghuhula kung anong susunod namin gagawin dito, kasi hindi ninyo lang sinasayang ang oras ninyo, pati oras namin at ng mga taong kasama namin, sinasayang ninyo. Alam kong mahirap maging faculty member, pero mahirap din maging estudyante. Walang "MAS MAHIRAP NA TERM FOR ME" kasi given na lahat tayo na-pressure, and pressure is a privilege, pero sana gawin ninyo sa tama and with justice and consideration sa ibang tao. DI LANG UERM NURSING ANG BUHAY NAMIN MAY PERSONAL LIFE DIN KAMI.