CEU Freedom Wall 2.0
#CEUFreedomWall202570
as someone who lives in Taguig and studies at CEU Makati, I usually allot at least 2 hours for transportation just to avoid being late. but this time, even that wasn’t enough.
there was one time na ang fare ko sa move it went over 200 pesos. araw-araw ba may budget kami for move it, angkas, joyride, or grab? hindi lang pamasahe sa jeep ang tumataas, pati na rin sa ride-hailing apps. hindi naman lahat ng students nakatira malapit sa school. what more pa yung mas malalayo kaysa sa akin?
ganun din pag pauwi. minsan, my last class ends at 7 PM, and usually around 9:30 to 10 PM na ako nakakauwi. pagdating sa bahay, hindi naman nakakapag pahinga agad — may schoolworks, research, at gawaing bahay pa. sobrang dami pang kailangan gawin.
sana naman may magawang paraan ang CEU dito. ilang beses niyo na rin nadidisappoint ang students niyo. dagdag pa yung sobrang init, baka ang solusyon na naman e mag white shirt ulit kami. 🫤