Campus Underground Diaries
#Diary5992
Sa mga ka buddies namin diyan na biglang nagiging sakitin tuwing training day may namamagang gilagid, may nilalagnat, minsan masakit kung saan-saan… pero pag ibang araw, okay na okay naman. Ano ‘yan, selective illness na naka schedule tuwing may training day? 😭 Grabe naman ang timing, parang naka alarm/schedule ang sakit ah.
Gets naman na napapagod tayong lahat at may days na wala sa kondisyon. Pero kung paulit-ulit na lang at laging may dahilan, hindi na yata ‘yan coincidence. Hindi rin fair sa mga taong present lagi, nag e-effort, at umaasa sa teamwork para maayos ang flow ng training.
Training day is part of our commitment. Hindi puwedeng kapag inconvenient, biglang absent. Be responsible naman. Hindi lang ‘to tungkol sa grades o attendance, kundi sa disiplina at consistency niyo rin. Konting paninindigan lang, mga ka buddieshindi habang buhay may excuse. Di ka makaka excuse pag si lord na nag request. 😉
Code:le is che
#2003babies
#selectiveillness
Submitted: April 30, 2026 1:34:35 PM UTC