UP Los Baños Freedom Wall
#UPLBFreedomWall21106
How do you really know kung hindi para sayo yung program mo? For context, I'm a BS Accountancy student na sobrang naburn out nitong first year. Parang wala na kong naiintindihan sa mga lessons dito. Truth is, I was only able to survive because mababait ang mga prof ko, as in super duper lenient nila. Pero ako, sobrang napag-iwanan na. Hindi ko pinapakitang nahihirapan ako sa program namin, pero araw-araw talaga akong pagod, kulang sa tulog, at pumapasok na walang kahit anong idea kung tungkol saan na yung lesson. Parang super behind na ako at hindi ko alam kung itutuloy ko pa yung midyear.
Kung yung lessons pa lang nitong first year ay hindi ko na makuha, pano pa yung mga sunod. Araw-araw na rin akong kinakain ng insecurity kasi ang tatalino ng mga classmates ko to the point na hiyang-hiya ako kapag naggroupings kasi wala akong maintindihan sa sinasabi nila.
Kung mabasa man to ng fellow BSacc students, sorry if this will sound bad pero wag sana kayo magcomment kung alam niyo namang thriving kayo sa course kahit papano. I mean, I genuinely love you guys but I really need someone na makakarelate sa sakin sa situation ko ngayon (yung lowest of the lowest na—yung hindi na nagagawang mag-enjoy sa life). 😔
So reiterating my question earlier, how do you actually know kung phase lang to? Kung challenge lang siya ng program ko? Kung dapat na ba talaga ako magshift? Like ano yung turning point kung san narealize niyo na talagang para kayo sa ibang path in life?
Submitted: May 22, 2026 7:41:07 PM +08