KomHay Confessions
#KomHayConfessions16746
Hi, — i hope you're doing well, there's a higher possibility na hindi mo ito mababasa o makikita pero umaasa padin akong mabasa mo ito. Gusto kolang mag sorry sa mga nangyare saatin, hindi ko alam gaano karaming beses nako nag sorry pero di ako mapapagod ulit ulitin yun sayo. Naiintindihan ko kung bakit hindi mo na ako kinakausap, kahit na di ako sigurado kung ano ang eksaktong dahilan, pero kahit na ano man yan iintindihin ko, gaya nga ng sabi ko sayo na palagi kitang iintindihin.
Nandito lang ako palagi —, wag mo sanang kalimutan yan, kung satingin mong wala kang kakampi, kasama, karamay, nawa'y tandaan mo na narito lang ako nag aantay sayo.
Alam kong nag papakat*nga nako sa puntong ito, lalo na't ako na babae pa ang nag hahabol satin. But i already promised to myself na ikaw lang ang patuloy kong gugustuhin. At kung sakaling dumating man ang panahon na may magustuhan ka, titigil ako at susuportahan kita. Pero sa totoo lang hindi ko maipagkakaila na hinihiling kong sana ako yun.
Again —, always take care of yourself po, always eat, sleep on time, also goodluck to your studies. Even though we're not talking rn, I am still here standing at the corner watching you shine. I am rooting for you —.
-Atsi*nn*(Someone from Castello 5)
發表於: Dec. 12, 2024, 5:52 a.m.