The Nangka Secret Files
#TheNangkaSecretFiles3
#TheNangkaSecreFiles3
STORMY WEATHER SA MALAKING BAHAGI NG LUZON AT VISAYAS
🌀 SYNOPSIS (3:00 AM Update)
Ang sentro ng mata ng Bagyong “UWAN” (FUNG-WONG) ay namataan sa layong 230 km silangan ng Virac, Catanduanes (13.8°N, 126.3°E).
Taglay nito ang lakas ng hangin na 175 km/h malapit sa gitna at bugso hanggang 215 km/h, habang kumikilos pakanluran-hilagang kanluran (West Northwestward) sa bilis na 35 km/h.
NOTE: Ang Super Typhoon (STY) ay umaabot o lampas 185 km/hr, ibig sabihin, malapit na ang kasalukuyang lakas nito sa STY category.
WEATHER FORECAST NG PAGASA NGAYONG ARAW
📍 Metro Manila, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, Bicol Region, Occidental at Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, Biliran, Northern Samar, Samar, at Eastern Samar
➡️ Panahon: Stormy o Mabagyong panahon
➡️ Sanhi: Typhoon UWAN
⚠️ Epekto: Posibleng flash floods o landslide dahil sa malakas hanggang matinding ulan (minsan ay torrential).
⚠️ May katamtaman hanggang matinding banta sa buhay at ari-arian dulot ng malalakas na hangin (gale to typhoon-force winds).
📍 Surigao del Norte, Surigao del Sur, Agusan del Norte, Dinagat Islands, at iba pang bahagi ng Visayas
➡️ Panahon: Maulan na may malakas na hangin / Rains with gusty winds
➡️ Sanhi: Typhoon UWAN
⚠️ Epekto: Posibleng flash floods o landslide dahil sa katamtaman hanggang malakas na ulan. May minimal hanggang bahagyang banta sa buhay at ari-arian dahil sa malalakas na hangin.
📍 Nalalabing bahagi ng bansa
➡️ Panahon: Maulap na may kalat-kalat na ulan at pagkidlat-pagkulog
➡️ Sanhi: Typhoon UWAN
⚠️ Epekto: Posibleng flash floods o landslide sa mga lugar na may katamtaman hanggang minsang malakas na ulan.
Manatiling ligtas, Shakers!
Source: PAGASA Daily Weather, 4:00 AM Nov. 9, 2025
Satellite Image via Zoom Earth
#UwanPH #WeatherUpdate #FungWong #PAGASA
發表於: Nov. 8, 2025, 8:56 p.m.