PNU Freedom Wall
#TALIPSFreedomWall23466
ADMIN PAKIPOST PLEASE HUHUHU!!!
Kaming batch DAGITAB, nais po naming iparating ang aming disappointment sa ushering kahapon
DISORGANIZED AT KULANG SA COORDINATION
Napakagulo po ng flow. Sa gilid ng stage, ang instruction ay "after kunin ang diploma, umakyat agad para sa photo booth". Pero pag-akyat, hinaharang at sinasabing "after ceremony na". Pagkatapos ng ceremony, pag-akyat ulit ng mga graduates, ang sabi naman "cut off na".
Dahil dito, maraming hindi nakapag-photo booth kahit bayad na. Sayang po yung pera namin.
WALANG RESPETO SA GRADUATES, MASTERS, AT PARENTS. May mga ushers na sumisigaw, nanunulak, at parang sila pa ang mas matanda. Walang galang sa Masters, sa mga graduates, at mas lalo sa mga parents namin. Dagdag pa, bakit agad niyo pinapalabas ang mga parents namin sa taas after ng ceremony? Alam niyo po ba kung gaano karaming tao at kung gaano kahirap maghanapan? Minsan lang mangyari sa amin ang graduation. Pinagkaitan niyo pa kami ng chance na magsama-sama at mag-picture agad. AT BAKIT ANG SABI SA BABA, SA TAAS ANG EXIT, TAPOS ANG SABI NAMAN SA TAAS, SA BABA ANG EXIT??? MAG-USAP MUNA KAYO SA SUSUNOD HA?? MGA DIRECTORS NG USHERS SARAP SABUNUTAN KAHAPON E DALAWA PA NAMAN KAYO KONG MAKASIGAW SA PARENTS NAMIN, MAGING TEACHER KAYO NIYAN MGA TE KAKAPAL NG MGA MUKHA NYO, WALA KAYONG RESPETO, MUNTIK NA MAHIMATAY NANAY KO SA INYO KAHAPON KUNG MAKASIGAW KAYO AT ITULAK NYO???
Alam po namin na hindi nagkulang si Sir James sa pag-orient. Pero hindi po naipakita ng karamihan. Except kay Orion - siya lang po yung consistent na professional kahit halatang pagod at badtrip na. At sa mga ushers na marunong rumespeto kahapon, maraming salamat po. You did well.
Sana ma-review at ma-retrain ang selection ng ushers para sa susunod na batch.
Sana ma-address yung sa photo booth - refund man lang, sayang binayad namin
Sobrang nakakadismaya po. Mas organized pa yung mga naunang batch ng ushers nasabi ko to dahil isa rin akong companion ng ate ko before, Sir James, alam naming disappointed din kayo kahapon. Pero lumalagpas na po sa limitation yung iba. Ang ugali ng ibang ushers kahapon ay hindi sa bagay sa event.
Umaasa po kami na mapapakinggan ito at hindi na mauulit. SALAMAT PO!!!!
Submitted: August 15, 2026 11:08:23 AM PST
發表於: Aug. 19, 2026, 1 a.m.