CLSU Freedom Wall
#CLSUFreedomWall2948
OPEN LETTER TO THE CLSU ADMINISTRATION
Dear CLSU Administration,
Saan na kaya yung dating Student Regent na hindi naman talaga nakatapos ng thesis, pero pinakiusapan lang ang Dean na payagan siyang maka-graduate kahit hindi naman pumayag ang thesis adviser na i-recommend siya for graduation?
Kami, mga kaklase niya, isang taon na-delay dahil sa thesis. Naghirap, nag-revise, naghintay, at sumunod sa lahat ng requirements. Hindi kami nag-shortcut dahil alam naming kailangan naming kumpletuhin ang proseso.
Kaya ang tanong namin ay bakit parang may free pass kapag Student Regent?
Dahil ba may posisyon siya sa CLSU at BOR? Kung ganoon ang naging konsiderasyon, hindi ba dapat pare-pareho ang academic standards para sa lahat?
At para kay Dean Roy, bakit napirmahan ang clearance kung may issue sa thesis? Kung totoo na hindi pumayag ang thesis adviser, bakit natuloy pa rin ang graduation? Sino ang nagdesisyon at ano ang naging basis?
Saludo ako sa thesis adviser na nanindigan at naging firm. At least may isang taong piniling ipaglaban ang academic standards kaysa magpadala sa posisyon o pressure.
Dharcel, hindi ko makakalimutan na habang kami ay na-delay dahil pinili naming sundin ang requirements, ikaw ay nakagraduate. Proud na proud ka pang graduate at nag-a-apply pa para sa Student Leadership Award.
Hindi naman namin hinihingi na hilahin ka pababa. Ang hinihingi namin ay transparency at fairness.
Kaya, CLSU Administration, imbestigahan ninyo si Dharcel at si Dean Roy. I-review ang thesis records, approvals, clearance, at graduation requirements.
Kung malinis ang proseso, prove it.
Kung may special treatment o iregularidad, alamin kung sino ang nagdesisyon at bakit ito pinayagan.
Dahil ang academic requirements ay dapat pareho para sa lahat—Student Regent man o ordinaryong estudyante.
Kami, isang taon na-delay dahil sa thesis.
Pero hindi kami nag-shortcut.
— Ate mong delayed dahil sa thesis, pero may integridad.
Submitted: August 11, 2026 1:17:46 PM HKT
發表於: Aug. 11, 2026, 5:18 a.m.