UST Freedom Wall
#USTFreedomWall1680
This is a response to the post about Shea of PBB at “pagtatakwil” niyo sa kaniya. You know what? Sobrang bully ninyo. Na para bang wala sa inyo ang nagpapansin din sa crush niyo at na para bang hindi normal yon. Nasa UST kayo, part ng “Big 4”, so freaking live up to it. Allegedly matalino kayo, so you should know better than jumping on a hate train. Dapat meron kayong discernment at ma-recognize niyo na maaaring biktima lang din si Shea ng spliced videos, evil edits, o kung ano man. Advocates din kayo ng mental health diba? Pero bakit kayo pa magiging isa sa mga reason kung bakit maaaring masira yung mental health nung tao? Grabe kayo. Sana lang paglabas ni Shea, makabalik pa rin siya ng UST at mabigyan ng opportunity ituloy ang studies niya. Sana hindi kayo ang maging reason para hindi niya ituloy yung nasimulan niya dyan. Sana hindi kayo ang maging reason ng pag alis niya dyan if ever. Dahil kung bullying niyo ang magiging dahilan? Mahiya kayo sa mga sarili ninyo.
Katatapos lang ng first nomination. Si Shea? Ligtask winner. Walang points ni isa galing sa kahit sinong housemates, not even from G. In fact, ni-nominate nga ni G yung tao na dahilan kung bakit uncomfortable si Shea. This just means Shea is well loved inside at maayos ang pakikisama niya sa mga tao sa loob. She was just being a kid, or a human, sa pa-happy crush happy crush na yan. So let her. Dahil kayo rin naman ay dumaan sa phase na yan. Tsaka kung manonood kayo talaga at hindi sa spliced vids/edits lang nagbe-base, dapat alam niyong si J din naman ang lumalapit at kumukulit sa kaniya. Ngayon, si J nagpapapansin, allegedly kay G. Or at least, the public views this as “nagpapapansin” the same way y’all concluded Shea’s actions na nagpapapansin. Tinatawag niyo na cute at normal yung kay J, pero pagdating kay Shea, nakakahiya at obsessive? The double standards. 😆