USLT Freedom Wall
#LFW6329
PA-POST ADMIN/S PLEASE!
Gusto ko lang i-raise ang concern ko about USLT having practices from 7 PM onwards, it depends pa sa in-charge sa practice para daw sa PAILAW, kahit na tuloy-tuloy ang ulan at tumataas na naman ang water level ng sa river. To the people who are conducting the practices at this kind of time and weather, I am talking to you.
Hindi naman sa pagiging maarte, pero safety na po ng mga students ang pinag-uusapan dito. With the nonstop heavy rain and the possibility of sudden flooding, ang risky talaga na pinapauwi pa nang sobrang late ang mga studens (YES. I am referring to High-school hanggang sa college;all departments) . We all know naman na mabilis tumaas ang tubig sa Cagayan River, and many parts of Tuguegarao become unsafe lalo na pag gabi at malakas ang ulan.
Sana naman po the administration/ Departments or kung sino man ang nag-cconduct and nag- aallow ng practice to consider the current situation. Hindi po ito normal weather condition, nasa gitna tayo ng potential flooding, and we all know na kahit konting ulan, prone na ang city sa baha. What more pa ngayon na halos hindi tumitigil ang ulan?
Hindi po ako humihingi ng special treatment; hinihingi ko lang ang basic consideration for student welfare and safety. Walang event o celebration, kahit gaano ka-importante ang dapat i-prioritize over the safety of young people who still need to travel home late at night. Nakakastress isipin na habang maraming households nag-aabang kung tataas pa ang tubig, kailangan pa nilang mag-practice nang late at umuwi sa madilim, basa, at delikadong daan.
I hope the school takes this seriously. Hindi ito reklamo para lang magreklamo, this is a concern raised out of genuine care for the students’ safety. If the situation gets worse, sino po ang mananagot? Sana po maging proactive and compassionate naman ang decision-making, lalo na ngayong na near critical level na ang river. Safety should ALWAYS be the first priority. Hindi lang sa salita, pero sa actual decisions.
Submitted: November 21, 2025 10:39:44 PM PST