TUP Freedom Wall
#TUPFreedomWall32518
Power trip na SY
Hi nga pala sa mga prof na nagbibigay ng grades na unfair, and hi rin sa mga pabigat. Naging silent kami sa mga kagrupo namin imagine inisip namin na ok lang yan buhatin sila para matapos na, and hoping na mabibigyan ng hustisya lahat ng sacrifices namin at credits or sa grades ibawi, kaso lang ang masaklap mas mataas pa yung binuhat, nakuha nila lahat ng credits rather than those na nagbuhat, isipin mo mas marami pang pinagawa yung prof kesa ron sa pinasok ng kaklase ko pero same kami ng grade. Sana pala hindi nalang ako pumasok, at gumawa ng mga pinapagawa ng prof, pwede naman palang magkaroon ng mataas na grades ng walang ginagawa edi wala pa akong stress.
Mga bagay na pinagsisihan ko this sem:
Mag resign sa work (kasi iniisip ko na the year is really crucial and maraming gawain which is true, isipin mo nagbubuhat ka ng isang grupo)
Ang tumanggi sa mga outing at bakasyon (pero at least kumpleto na ng check yung bucket list ng leader namin kakabakasyon at bar hopping, pero walang check yung task tracker)
Umiyak gabi-gabi (importante kalmado at inlove ang ka-grupo na walang ambag #lovewins)
Ang magpuyat ng walang bayad (sana diba nag work nalang ako non same lang naman puyat pero bayad)
Ang ma-stress (edi sana clear skin ako during defense at bakasyon)
These are just some of our sacrifices na hindi nabigyan ng hustisya, to be honest those pabigat na kaklase since day one na yan eh, since first year college, though walang bago maraming ganon talaga. Isipin mo binuhat na kayo para makagraduate tapos maghahangad ka ng latin honor na hindi mo deserve, well proud nga kayo na nag rereview kayo ng answer keys na kinuha niyo sa ibang section eh. Normal na magkopyahan pero OA naman Yung answer key ang reviewer hindi mo pa minalian ng isa perfect talaga?
Goodluck sa future endeavors niyo sana magbago kayo.
Sa mga prof sana maging fair yung grades kasi marami talagang students na they have the title ng leader pero never naging nagpaka-leader.
-badgurl
Submitted: February 4, 2024 2:49:48 PM PST