UP Diliman Freedom Wall
#UPDilimanFreedomWall38936
Meron talagang mga professor/instructor na kahit ang talino nila o kahit magaling naman sila magturo parang di talaga nila deserve mag handle ng studyante e.
We have this one instructor and lahat ng nahandle niya na klase ay talagang ayaw sa kanya, kahit sino tanungin mo sa mga nahandle niya o kahit sa mga hindi niya pa nahandle ay talagang sasabihin sayo na ayaw nila sa kanya na parang kulang nalang mag ritwal sila para di nila maging instructor yun e.
Eh paano ba naman kasi, oo it's completely normal to conduct oral recitations in class pero kasali rin ba yung pamamahiya pag di niya nagustuhan yung sagot mo? Okay lang naman sana kung pagsasabihan or magbibigay ka ng feedback sa sagot ng student pero yung e titrigger mo at sasabihan mo ng harsh comments at personal comments hindi ba parang di naman yun tama? Nakakawalang gana naman, imbes na gustohin mong makabawi sa susunod at makasagot parang magtatanim ka ng sama ng loob e.
Isa pa, kunwari yung subject niyo tungkol sa Literature pero ituturo sa inyo tungkol sa Engineering o di kaya Law 😠magagalit pa yan kasi hindi mo kabisado ang mga formulas or articles, hindi kayo pupunta sa next topic hanggang di siya satisfied, magagalit din yan kapag di mo inuna subject niya e minor subject lang naman siya 😠The pressure he gives the students he's handling is insane bwesit araw araw pahirap eh yung pressure na yan hindi naman dapat nafefeel kasi di naman related sa subject niya, tanggap sana kung pressured ka sa isang activity sa subject niya eh hindi, pressured ka mag memorize ng articles kahit wala naman kayong ganyang sub kasi kapag di mo nakabisado kung ano ano sasabihin sayo, ititrigger ka nanaman at mamemersonal.
Ang baba baba ng evaluation niya tbh pero hindi ko alam kung bakit andyan pa yan e. Muntik ko na rin makalimutan hahahahahaha ang landi nyan lowkey sa mga bet niyang male students (yes, gay po ang instructor na ito), lowkey kasi nagbibitaw yan ng comments in class mapa face to face man or online class towards one or two male students, nacicringe nga sila e pero dinadaan nalang sa tawa. Hahahaha bakit ba kasi andyan pa yan, bakit binibigyan pa yan ng students na ihahandle, di ba binabasa ng higher ups yung evaluation niyan. Jusko naman! 😀