White Cane Chronicles
#WhiteCaneChronicles32
Hi, share ko lang nakakahiyang experience ko sa bus noong commuter days pro max ko pa.
Back then, sumasakay ako ng bus somewhere around Pasay papuntang Southern Luzon, specifically Batangas. Oh, wag mag-ingay kapag kilala na kung sino ako ah?
Isang hapon noon, pagod na pagod ako kasi maraming activities sa school kasi senior high na ang inyong person. Medyo gabi na yun, mga around 4 or 5 o'clock in the afternoon kaya nagmamadali na rin talaga ang lahat.
Bumaba ako noon ng tricycle sa terminal tapos distracted na nagpa-guide sa guard. Nag-oo lang ako sa tinanong niya sa akin na ang narinig ko lang ay Batangas. Hindi ko alam that time na yung lapse of judgement na yun ang simula ng kahihiyan ko.
Ito na nga.
Umakyat na ako sa bus, umupo sa unahan as a PWD, at nagselpon habang nag-iintay ng alis ng bus from the terminal.
Tapos habang nag-iintay ako, parang nararamdaman ko na na parang may mali sa mga wordings ng mga tao sa paligid ko. May naririnig akong "city" raw. Hindi ko pa yun pinansin kasi akala ko nabanggit lang ng mga tao since same place lang naman sila ng bababaan ko.
Ito na, umaandar na yung bus papalabas ng terminal. Tinago ko na yung hawak ko noon kasi nagre-ready na ako kumuha ng mga needed para sa ticket and at the same time yung ibabayad ko.
After a few, naririnig ko na yung puncher sounding thingy ng kunduktor tapos nagsisimula na siyang lumakad. Doon muna siya nagpunta sa kabilang side na unahan so need ko pang mag-intay ng turn ko. Dito na ako slight kinabahan kasi yung sagot ng mga tinatanong ni kuyang kunduktor ay Batangas City raw sila, tapos may mga lugar na hindi ko alam. Nag-iisip na ako noon na maling mali yata ang aking nasakyan.
Umaandar na yung bus at this point at nakalabas na ng terminal, though hindi pa nakakalabas ng Pasay dahil sa sobrang trafic.
Noong dumating na sa side ko si kuya, tinanong na niya ako kung saan ang baba ko.
At yun, noong sinabi ko yung stop kung saan ako bababa, doon na napasabi si kuya ng, "Ay, Sir, mali ka po yata ng nasakyan. Ibang ruta ito, hindi ito dadaan sa bababaan mo."
Gusto ko nang lamunin ng lupa (uh, sahig ng bus?) noong mga panahon na yun. Nakakahiyaaa. Bakit hindi ko pa kasi nilinaw noong narinig ko pa lang noong una if tama ba yung sasakyan na nasakyan ko? Huhu maliligaw pa ako sa mga pinaggagagawa ko eh.
Yung pinaka nakakahiya rito is kinailangan pang bumalik ng bus papuntang terminal para lang makasakay ako sa tamang bus. Huhu. Sa mga kasama ko po sa bus na yun noong araw na yun, pasensya na po kayo, sana napatawad ninyo ako sa aking kamalian.
Naririnig ko noon yung slight reklamo nila sa akin, at naiintindihan ko sila kaya sorry po ulit. π
Lesson? laging magtanong at i-make sure na nasa tamang lugar ka, especially sa mga blind / visually impaired folks ko riyan. Wag mahihiyang magtanong kasi yun ang magliligtas sa yo sa mas nakakahiyang pangyayari.
Yun lang for today, sana ay may natutuhan kayo.
p.s. May kaparehas ba ako ng experience rito? anyone please? Need ko ng karamay huhu.
Submitted: September 4, 2026 12:06:54 AM PST