Recent Submissions
Click one or more of the submissions below to tag them in your submission.
UPLB Freedom Wall
#UPLBFreedomWall441
With all what's happening in the University right now, with the illegal arrest of student and lakbayan as well as campus militarization in the campus right now, ako lang ba natatakot pumasok tomorrow?
I have a monday class from morning until the afternoon, and I am now not comfortable walking around right now. Kahit nga bumyahe pabalik nakakatakot na with the circulating news of police checking student IDs in public transportation.
GRABE NA!
Nakakatakot. Make our learning space SAFE!
Submitted: November 15, 2026 9:03:00 PM +08
Published at: November 15, 2026 1:12:37 PM
UPLB Freedom Wall
#UPLBFreedomWall440
Comment kay #UPLBFreedomWall429.
Akala ko ako lang! Ang tagal ko nang napapansin yan. That's not the only case, may mga naririnig din ako sa hallway o na pumupunta ng ibang bansa o nakakapagconcert na libu-libo ang ticket. Okay sana pero hindi siya nagmamake sense? Lets say considering yung cut off ng income ng Lingap tapos yung stipend (malaki din naman pero for me kasi yung budget na iyon ay sakto lang siya for my basic needs and acad requirements. May ibang panggala din pero yung mga sa tabi-tabi lang).
Nakakagalit lang minsan kasi nagtitimpi ako sa hash brown ng DALI para mapagkasya ang budget ko at tulad nga ng sabi ni OP ay ang daming nanghihingi ng tulong kesyo walang makain and such, tapos may mga Lingap Grantee na supposedly for lowest of the low income households tapos ganon yung nangyayari na araw-araw ko yatang nakikita ng nagpapafood panda ng jollibee o mcdo kahit wala pang stipend.
Ang per day ko bago magkastipend pumapalo lang minsan ng 80 to 100 pesos tapos nagluluto lang ako kaya hindi ko talaga magets paano sila nakakaavail ng mga ganoong pagkain araw-araw? Ayun lang. Sa mga may roommates diyan na ganyan ang sitwasyon, pano niyo natotolerate?
- iskxng pagod na #notopaxsilica
Submitted: November 15, 2026 8:40:22 PM +08
Published at: November 15, 2026 1:12:01 PM
UPLB Freedom Wall
#UPLBFreedomWall439
Please mind on what you disseminate in the gc, sinabing wag ireveal, na isend naman sa buong gc. Ayun kalat.
Submitted: November 15, 2026 8:22:50 PM +08
Published at: November 15, 2026 1:11:12 PM
UPLB Freedom Wall
#UPLBFreedomWall438
LF: People who wanna hang out!
Hi guyss, if meron sa inyong mga nabo-bore and gustong magkaroon ng mga hangouts (sports, cafe, jamming, board games, or whatever else you guys want) or just wanna meet new people in general, react lang kayo sa post na 'to.
Will make a GC for those who react!
Submitted: November 15, 2026 7:23:55 PM +08
Published at: November 15, 2026 12:13:53 PM
UPLB Freedom Wall
#UPLBFreedomWall437
di ba talaga puwedeng babae ang umamin? konti na lang aamin ako
Submitted: November 15, 2026 7:10:57 PM +08
Published at: November 15, 2026 12:13:44 PM
UPLB Freedom Wall
#UPLBFreedomWall436
Kung di ako sasama sa quick response team na binubuo ngayon para suportahan yung mga nadetain na lakbayan delegates dahil sa sabay-sabay na mga deadline sa acads, ano pa yung point ng mataas na grades kung di ko natugunan yung mga kapwa kong estudyante (kasama na ang mga katutubo at manggagawa na ilegal ding inaresto)?
Magdodonate muna ako para maibsan yung konsensya ko at may maambag pa rin kahit papano.
Submitted: November 15, 2026 6:59:18 PM +08
Published at: November 15, 2026 12:13:38 PM
UPLB Freedom Wall
#UPLBFreedomWall435
help, pano ba na hindi na "tamarin" pumasok? ang bigat bigat sa pakiramdam pag linggo na. ta**na namang buh*y ito, bakit ba kailangan lahat nang to? nawawalan na ko ng pag-asa, mga sah
Submitted: November 15, 2026 6:46:16 PM +08
Published at: November 15, 2026 12:13:32 PM
UPLB Freedom Wall
#UPLBFreedomWall434
Alam kong tapos na tayo,
O hindi naman talaga naging tayo
Ngunit napapaisip parin ako...
Pakiramdaman ko nagtataksil ako
sa pag-usad mula sayo
Mapapatawad mo ba ako
kung aaminin kong
nahuhulog na akong muli para sa ibang tao..?
- 💠
Submitted: November 15, 2026 6:38:14 PM +08
Published at: November 15, 2026 12:13:01 PM
UPLB Freedom Wall
#UPLBFreedomWall433
l*ch*ng mga kagrupo to. yong galit ko kay trump sa hinahatian niyo pa eh.
kung may peer eval lang talaga
Submitted: November 15, 2026 6:17:40 PM +08
Published at: November 15, 2026 12:12:57 PM
UPLB Freedom Wall
#UPLBFreedomWall432
Hindi ko na ramdam ang pagmamahal ng aking kasintahan,
Na para bang wala lang ang pinagsamahan,
Dapat na ba akong sumuko?
O ilaban ko pa hanggang dulo,
Kasabay ng pag tapos ng araw na ito,
Puso ko ay nag susumamo,
Na sana bumalik na ang dating ikaw,
Yung parang tenga at hikaw,
Yung ikaw na mahal ako,
Hindi puro pangako na napapako,
Pagod na pagod na ako.
-iskong gusto ng sumuko sa boyfriend niya
Submitted: November 15, 2026 5:59:09 PM +08
Published at: November 15, 2026 12:12:46 PM